You are not connected. Please login or register

My Personal Tips for PC and Laptop Users

avatar

Admin

Administrator
Administrator
Posts Posts : 45
<b>Like</b> Like : 4271
Points Points : 155
To start-off para mag-run smooth lagi ang pc or laptop natin we should have the following software utilities:

(Personal recommendations ko lang ang mga ito pero pwede kayong gumamit
ng ibang software utilities na sa tingin niyo ay mas effective pa sa mga
recommendations ko.)

Ito ang mga gamit ko na utilities:
1.revouninstaller
2.pctools registry mechanic - with serial (no crack or patch)
3.tune up utilities 2009

CCleaner - para maayos ang registry errors.
Isang reason din dahil bumabagal ang pc ay dahil sa madami na ang errors
ng registry or bloated na siya.


Auslogic Registry Defrag - after natin na ma-clean ang registry, time to defrag pra ma-improve ang performance ng pc.


Revouninstaller - ito ang uninstaller na
madaming features and it's free. Mas effective itong gamitin kaysa sa windows built-in uninstaller na madaming iniiwan kapag nag-uninstall ka ng programs at may junk cleaner pa siya and madami pang utilities na included. May portable version, no need to install.


suggestion: After niyo mag-uninstall gamit ang revouninstaller, run niyo ang ccleaner at pagkatapos ay auslogic registry defrag.


Another reason kung bakit bumabagal ang pag-read ng hard disk natin ay hindi defragmented ang mga files kaya nahihirapang bumasa ang hard disk natin. So i recommend the ff:


Defraggler - ndi lang hard disk ang dine-defrag nito pde rin ang mga program files.


JK Defrag - another good defragmenting software.


Diskeeper at Raxco Perfect Disk - ang highly recommended ko na defragging software pero hindi sila freewares. Diskeeper ang gamit ko at may feature ang diskeeper na boot-time defragmentation na kung saan pwede mo i-defrag ang system files. Gamit ko ang diskeeper at mayroon din siyang feature na Invitasking - autodefragging. Pde din i-run ng diskeeper ang built-in chkdsk ng windows bago ito mag-defrag ng system files to check for errors.

Note: Huwag niyo gamitin ang defragmenting software ng windows dahil mabagal at hindi ganon ka-effective.

DiskCleanup - Windows diskcleanup tool, gamitin nyo din ito para malinis ang windows from example temporary files or
yung laman ng recycle bin.


Additional tips para bumilis ang takbo ng pc. I suggest the ff:


Tip #1 - MsConfig- disable niyo ang mga software na automatic na nagstart-up during boot-up ng pc or i-configure
niyo ang software na huwag mag-start during mag-start ang windows. Enable niyo lang ang needed for example ang anti-virus niyo.


Tip #2 - Huwag masyado or better yet huwag ng gumamit ng themes na masyadong mabigat ang graphics. Dapat ay kung ano lang ang kayang i-handle ng pc niyo yun lang ang dapat na i-apply. Be simple.


Tip #3 - Uninstall niyo ang not needed na software dahil kumakain siya ng space at isa ito sa mga reason sa pagbagal ng pc. Kung may installer kayo ng software na tatanggalin nyo na nasa hard drive nakasave ay better na i-burn nyo sa dvd or cd for future use.


Tip #4 - Huwag mag-download ng hindi kailangan sa pc dahil isa ito sa reason kung bakit bumabagal or nagka-crash na ang pc ay hindi natin alam na ang file ba na dina-download natin ay malinis or may virus, malware, at spyware.


Tips para maging safe ang pc niyo from threats. Suggested ko ang mga ff:



Antivirus - I suggest na gumamit kayo ng antivirus na hindi resource hog or hindi matakaw kumain ng memory. Suggest ko ang following free antivirus na magaganda:

Avira
Avast
AVG with AntiSpyware (hindi ko pa sure ito kung meron nga)

Ayon sa reviews avira daw ang mas maganda ang security na binibigay second ang avast at third ang avg.


Kung licensed ang gusto niyo i suggest the following ang gamitin niyo based on reviews:

1.BitDefender
2.Kaspersky
3.Eset/NOD32
4.Norton - (improved na ang norton this 2009, mas mabilis na siya ngayon)
5. The rest is up to you user kung ano sa tingin mo ang mas effective na gamitin.


Ang gamit ko ngayon is Avast Professional Edition 4.8 - (serial gamit ko no patch, keygen, or crack) working ang serial ko at updating.



Antispyware - may mga antivirus na may kasama ng antispyware pero i suggest na gumamit kayo ng isa for scanning or protection din.

Suggested ko ang following:

Spybot Search and Destroy
MalwareBytes AntiMalware (gamit ko ngayon)
Lavasoft Ad Aware
Pctools Threatfire
SuperAntiSpyware
CounterSpy
Window Defender
Spyware Doctor

Pwede niyo din gamitin ang built in Malicious Removal Tool ng Windows.
Start -> Run -> type cmd -> type sa cmd prompt MRT after lalabas na ang MRT. Pwede na kayong mag-scan.



Firewall - ito ang first line of defense natin against hackers at unknown threats. I suggest na gumamit kayo ng personal firewall para mas maging safe ang system niyo from attacks.

Suggest ko ang ff:

1.Comodo Firewall - (gamit ko at effective at recommended by most users at hindi babagal ang pc mo.)

2.Kerio Firewall - isa din sa magandang firewall.

3.Vista Firewall - isa sa pinakamahigpit na firewall na nagamit ko noong vista pa ang windows ko. (For vista only)

I also suggest na isang antivirus lang ang gamitin niyo dahil nagkakaroon ng conflict kapag dalawa at babagal ang pc niyo.


Suggested tips incase na mag-crash ang pc niyo.



Backup niyo ang pc niyo incase na magreformat kayo or mag-crash ang system niyo para kapag kailangan niyo ang mga files niyo ay magagamit nyo pa ito. Bette na i-burn sa dvd or cd or i-save sa flash drive.


Create kayo ng Image ng hard drive nyo. I suggest gumamit kayo ng Acronis True Image. Bago kayo gumawa ng image ng hard drive niyo make sure lang na ok na lahat ng programs niyo at wala na kayong idadagdag pa then pde niyo ng gawan ng image ang hard drive niyo.


Rescue Disk - Need niyo ito kung wala kayong pam-boot or wala kayong installer ng windows. May mga site na kung saan pwede kayong mag-download ng rescue disk. Suggest ko Hiren's Boot CD


Recovery Discs - Para sa mga may laptop. Gumawa na agad kayo ng recovery discs para kapag nag-crash ang laptop niyo pwede niyo maibalik sa original factory condition.


Dapat din laging updated ang defenitions or database ng AntiVirus niyo pati ang AntiSpyware niyo to be sure na safe kayo from the latest threats.


I suggest na before kayo magscan ng pc niyo disconnect niyo muna sa internet. Run niyo ang utilities niyo para mag cleanup kayo ng pc before niyo ito i-shut down para the next day malinis ang pc niyo at wala kayong problema kapag ginamit nyo.


Delete also your cookies. Use firefox para mas safe ang browsing niyo. Also kapag duda kayo sa isang file pwede niyo ito i-upload sa www.virustotal.com para macheck kung may virus ito.


Kung gusto niyo naman i-try ang isang software para malaman niyo kung safe ito ay gumamit kayo ng sandboxie.


I hope makatulong itong info na nai-share ko sa inyo. Better be safe than sorry.

#1 - Posted on Thu Apr 13, 2017 12:56 pm
View user profile http://chloe.forumtl.com
avatar

Admin

Administrator
Administrator
Posts Posts : 45
<b>Like</b> Like : 4271
Points Points : 155
ABakiy

#2 - Posted on Fri Apr 14, 2017 11:07 am
View user profile http://chloe.forumtl.com
avatar

Admin

Administrator
Administrator
Posts Posts : 45
<b>Like</b> Like : 4271
Points Points : 155
Code:
http://blacklc.com/style/images/noavatar.png
http://blacklc.com/style/images/noavatar.png

#3 - Posted on Fri Apr 14, 2017 11:23 am
View user profile http://chloe.forumtl.com

Sponsored content

#4 - Posted

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum